Pagbisita ng presidente ng National Endowment for Democracy ng Amerika sa Taiwan, udyukan ang separatismo

2022-03-30 15:46:20  CMG
Share with:

Inihayag nitong Martes, Marso 29, 2022 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina na sa ngalan ng umano’y “demokrasya,” nasa Taiwan ang namamahalang tauhan ng National Endowment for Democracy (NED) ng Amerika, at tangka nitong udyukan ang separatismo.
 

Sinabi kamakailan ng panig Taiwanese na mula ika-27 hanggang ika-30 ng Marso ito, bumibisita sa Taiwan ang delegasyong pinamumunuan ni Damon Wilson, Presidente ng NED. Ipinatalastas ng kapuwa panig na gaganapin sa Taipei ang Global Assembly ng World Movement for Democracy sa Oktubre.
 

Kaugnay nito, tinukoy ni Wang na sa katunayan, sa loob ng mahabang panahon, binibigyan ng kongresong Amerikano at White House ng pondo ang NED.
 

Dagdag niya, sa ngalan ng umano’y demokrasya, isinasagawa ng NED ang mga nakakahiyang aksyon sa iba’t ibang lugar ng daigdig na gaya ng pagpapalaganap ng sariling paninindigan, pagwagsak ng rehimen ng ibang bansa, at pag-udyok ng mga kilusang kontra pamahalaan.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method