CMG Komentaryo: Mga bansang Pasipiko, may-karapatang humingi ng kompensasyon sa pagtatapon ng Hapon ng tubig-nuklear sa dagat

2023-01-04 16:31:20  CMG
Share with:

Inanunsyo, Abril 2021 ng pamahalaang Hapones ang plano nito sa pagtatapon ng nuklear na kontaminadong tubig sa dagat mula Tagsibol ng 2023.

 

Nalalapit na ang implementasyon ng planong ito.

 

Tinukoy ng mga tagapag-analisa na kung tunay na itatapon ng Hapon ang nuklear na kontaminadong tubig sa Karagatang Pasipiko, ayon sa nakatakdang plano, may-karapatan ang mga bansang Pasipiko na humingi ng kompensasyon sa Hapon.

 

Matatandaang naganap sa Fukushima Daiichi Power Plant ang aksidenteng nuklear, na nagbunga ng kontaminasyon sa tubig.

 


Sa kasalukuyan, lampas na sa 1.3 milyong tonelada ang inimbak na tubig-nuklear.

 

Ayon sa ulat ng Greenpeace, isang pandaigdigang organisasyon ng pangangalaga sa kapaligiran, hindi mapangangasiwaan ng teknolohiyang gamit ng Hapon ang strontium-90 (90Sr) at carbon-14 na nasa nuklear na kontaminadong tubig.

 

Dagdag pa nito, 50 taon at 5,730 taon ang half-life ng naturang dalawang uri ng radionuclide, ayon sa pagkakasunod.

 

Mas malaki ang pinsala ng nasabing dalawang elemento kaysa tritium, ayon pa sa Greenpeace.

 

Ang unilateral na desisyon ng pamahalaang Hapones sa pagtatapon ng kontaminadong tubig sa dagat ay ginawa kahit hindi sinubok ang lahat ng ligtas na paraan sa pangangasiwa ng tubig-nuklear.

 

Hindi rin isinapubliko ang lahat ng mga kaukulang impormasyon, at hindi lubos na nakipagsanggunian ang Hapon sa mga kapitbansa at organong pandaigdig bago gawin ang desisyon.

 

May ganap na karapatan ang iba’t-ibang bansa na ipagtanggol ang sariling karapatan at kapakanan, gamit ang batas.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio