Sina Peng Liyuan at Louise Araneta-Marcos (photo from Xinhua)
Binisita, Enero 4, 2023, nina Unang Ginang Peng Liyuan ng Tsina at Unang Ginang Louise Araneta-Marcos ang Pambansang Museo ng Tsina.
Habang nasa eksibisyong magkasamang itinaguyod ng Pambansang Museo ng Tsina at Palace Museum, binalik-tanaw nila ang kasaysayan ng pagpapalitan ng dalawang bansa sa ilalim ng mga naunang henerasyon ng mga lider Tsino’t Pilipino.
Ipinahayag ng dalawang unang ginang ang kasiyahan sa pag-unlad ng relasyong pangkaibigan ng Tsina at Pilipinas.
Umaasa si Peng na magpapatuloy ang tradisyonal na pagkakaibigan ng dalawang bansa at uunlad pa ito sa bagong antas.
Sinabi naman ni Marcos na nais niyang magkaroon ng mas mabuti at mas malalim na pag-unawa sa kasaysayan at kultura ng Tsina.
Aniya, kailangang isulong ng mga mamamayan ng dalawang panig ang diwa ng Silk Road at ipagpatuloy ang pagpapabuti ng mutuwal na pagtitiwalaan at pagkakaibigan.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio