Bagong polisiya ng Tsina laban sa COVID-19, makakatulong sa kabuhayang pandaigdig - dalubhasang Pilipino

2023-01-06 16:19:59  CMG
Share with:

Inihayag kamakailan ni Anna Malindog-Uy, Bise Presidente ng Asian Century Philippines Strategic Studies Institute (ACPSSI), na dahil sa pagkaka-optimisa ng estratehiya ng Tsina laban sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), posibleng magkaroon ng mabilis na pagbalik ang kabuhayan ng bansa at matutulungan nito ang pagsulong ng kabuhayang pandaigdig sa 2023.

 

Alinsunod sa pagbabago ng situwasyon, ginawa aniya ng Tsina ang planado’t nakabase sa siyensiyang pag-aakma ng estratehiya laban sa COVID-19.

 

Naniniwala si Malindog-Uy, na dahil sa malumanay na epekto ng Omicron variant, malakas na sistemang pangkalusugan, at halos bakunadong populasyon ng Tsina, pasisiglahin ng naturang mga hakbang ang paghahanda para sa mas malawak na pagbubukas ng kabuhayang Tsino sa mundo sa malapit na hinaharap.

 

Ang optimisadong estratehiya laban sa COVID-19 ay hindi lamang muling magpapanumbalik sa mga aktibidad pang-ekonomiya at pang-negosyo sa bansa, kundi magbibigay rin ng benepisyo sa mas malawak na internasyonal komunidad, saad niya.

 

Naniniwala si Malindog-Uy na magiging positibo ang pagtanaw ng daigdig sa kabuhayang Tsino sa 2023.

 

“Naniniwala akong mabilis na aangat ang kabuhayang Tsino, at dadagitin nito pataas ang nanlulumong ekonomiyang pandaigdig,” paliwanag pa niya.

 

Bukod pa riyan, ang muling pagbubukas ng merkado’t ekonomiya ng Tsina ay magpapasigla aniya sa pandaigdigang kadena ng industriya’t suplay, at maraming bansa sa mundo ang aani ng benepisyo mula rito.

 

Salin: Kulas

Pulido: Rhio