Pagdalaw ni PBBM sa Tsina, magandang simula sa relasyon ng dalawang bansa sa 2023

2023-01-06 16:25:09  CMG
Share with:

Ipinahayag Enero 5, 2023, ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang pagdalaw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Tsina ay simbolo ng magandang simula ng relasyong Sino-Pilipino sa 2023.

 


Tiyak aniya itong magdudulot ng lakas na tagapagsulong sa pag-unlad ng ugnayan ng dalawang bansa sa bagong panahon.

 

Ani Mao, narating nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Marcos Jr., ang bagong komong palagay sa pag-unlad ng relasyong Sino-Pilipino sa hinaharap, at ginawa ang estratehikong patnubay.

 

Nagkaisa rin ang dalawang panig sa pagpapalakas ng tradisyonal na pagkakaibigan, pagpapataas ng relasyong pangkaibigan sa bagong antas, pagpapalawak sa pragmatikong kooperasyon, at pagpapabuti sa estratehikong pagtitiwalaan, dagdag niya.

 

Alinsunod sa komong palagay na narating nina Xi at Marcos Jr., nakahanda aniyang magsikap ang Tsina, kasama ng Pilipinas, para pasulungin ang malalim at pangmalayuang pag-unlad ng ugnayang Sino-Pilipino, tungo sa pagbibigay ng positibong enerhiya sa kapayapaan at katatagan ng rehiyong Asya-Pasipiko.

 

Salin:Sarah 

Pulido:Rhio