CMG Komentaryo: Restriksyon ng Amerika sa mga manlalakbay na Tsino, salungat sa siyensiya

2023-01-07 23:10:18  CMG
Share with:

Nitong ilang araw na nakalipas, ipinahayag ng maraming epidemiyolohista ng iba’t ibang bansa, na hindi kailangang isagawa ang travel restriction laban sa Tsina.

 

Kabilang dito, sa pahayag na inilabas Enero 6, 2023, iniharap ng Infectious Diseases Society of America (IDSA) ang pagduda sa kailangan ng pagsasagawa ng Amerika ng pagtetest ng COVID-19 sa mga manlalakbay na Tsino bago silang lumipad sa Amerika. Anito, ang hakbanging ito ay may limitadong epekto sa pag-iwas ng pagkalat ng virus, at hindi rin magbibigay ng kinakailangang data para malaman ang paglaki ng bilang ng mga kaso sa buong daigdig.

 

Hindi lamang mga eksperto, kundi rin sektor ng negosyo, ang tumututol sa mga restriksyon sa mga manlalakbay na Tsino. Ganito ang pahayag ng Airports Council International Europe, na binubuo ng mahigit 500 paliparan sa Europa.

 

Dapat buong taimtin na pakinggan ng Amerika ang mga siyentipiko at makatwirang pahayag na ito, at itigil ang muniplasyong pulitikal sa mga isyung may kinalaman sa pandemiya.

 

Ang paglaban sa coronavirus ay usaping pansiyensiya. Pero salungat dito ang mga restriksyon ng Amerika sa mga manlalakbay na Tsino.


Editor: Liu Kai