CMG Komentaryo: Pagbalik ng kasiglahan sa mga lunsod ng Tsina, senyal ng muling pagbangon

2023-01-03 15:36:16  CMG
Share with:


Sa katatapos na bakasyon ng bagong taon, kitang-kita ang pagbalik ng kasiglahan sa mga pinakarepresentatibong lunsod ng Tsina na gaya ng Beijing at Shanghai, at ito’y mahalagang senyal ng muling pagbangon ng bansa.

 

Kasabay ng pag-optimisa sa mga hakbangin laban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), pumasok sa bagong yugto ang pagpigil at pagkontrol ng Tsina sa pandemiya.

 

Ang nasabing optimisasyon ay batay sa kaalaman sa pathogen at sakit, lebel ng imunidad ng mga mamamayan at kakayahan ng sistemang pangkalusugan, at mga interbensyon kaugnay ng kalusugang panlipunan at pampubliko.

 

Nitong nakalipas na 3 taon sapul nang sumiklab ang COVID-19, inilabas ng Tsina ang siyam na edisyon ng plano sa pagpigil at pagkontrol sa pandemiya, 20 ini-optimisang hakbangin, 10 iba pa’t bagong optimisadong hakbangin, at pagpapababa ng responde laban sa COVID-19 mula Class-A infectious disease tungo sa Class-B infectious disease.

 

Ang lahat ng ito ay napapanahon at siyentipikong pag-optimisa na angkop sa aktuwal na kalagayan ng pangangasiwa sa pandemiya.

 

Sa bagong taon, inaasahang mabilis na mapapanumbalik ang kaayusan ng kabuhaya’t lipunan ng bansa, at babalik sa normal ang pamumuhay ng mga mamamayang Tsino.

 

Ayon sa pagtaya ng Consumer News and Business Channel (CNBC) ng Amerika, babangon ang konsumo sa Tsina sa malapit na hinaharap.

 

Ang muling pag-usbong at paglago ng kabuhayang Tsino ay magbubunsod ng napakalaking benepisyo sa daigdig.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio