Mula Enero 5, 2023, isasagawa ng Amerika ang restriksyon sa mga manlalakbay na Tsino, sa katuwirang “posibleng idulot ng kasalukuyang kalagayan ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa Tsina ang bagong variant, at magbunsod ng pagkalat ng pandemiya.”
Sa katotohanan, ang BA.5 sub-variant ng Omicron coronavirus variant na kasalukuyang kumakalat sa Tsina ay pangunahing variant sa Amerika noong nagdaang ilang buwan.
Source: U.S. Centers for Disease Control and Prevention
Bukod diyan, ang Amerika ay numero uno ring tagapagkalat ng panibagong XBB.1.5 sub-variant na natuklasan sa mga lunsod ng Tsina na gaya ng Shanghai at Hangzhou.
Kitang-kitang ang Tsina ay biktima ng pandemiya, at ang pagbubulag-bulagan ng Amerika sa katotohanan at pagbale-wala sa siyensiya ay komedyang pampulitika.
Ito’y kahalintulad ng pag-aakusa ng pagnanakaw sa iba, habang ang mismong nag-aakusa ay ang tunay na magnanakaw.
Kasabay ng pagkalat ng coronavirus sa daigdig, walang tigil din ang paglitaw ng mga bagong variant – ibig sabihin, hindi lamang sa Tsina posibleng lumitaw ang mga bagong uri ng virus.
Dahil dito, kapos sa batayang pansiyensiya at di-tama ang pagsasagawa ng espesyal na restriksyon sa mga manlalakbay na Tsino.
Sa kasalukuyan, buong sipag at mas mainam na kinokoordina ng Tsina ang pagpigil’t pagkontrol sa pandemiya habang isinusulong ang pag-unlad ng kabuhaya’t lipunan.
Unti-unti nang nakokontrol ang kalagayan ng pandemiya sa loob ng Tsina, at bumabangon na rin ang kabuhayan.
Simula Enero 8, ipapawalang-bisa ng Tsina ang kuwarentenas sa mga tao’t paninindang papasok sa bansa, at positibo ang reaksyon ng maraming bansa rito.
Ayon sa karanasan nitong nagdaang 3 taon, ang pagkakaisa’t pagtutulungan ay ang tanging paraan sa pagpigil sa pagkalat ng pandemiya, at hindi paraang pulitikal.
Walang kabuluhan ang muling pag-target ng pamahalaang Amerikano sa mga turistang Tsino na nagnanais na pumasok sa Amerika!
Salin: Vera
Pulido: Rhio