Pagkatapos optimisahin ng pamahalaang Tsino ang mga patakaran sa pagpigil at pagkontrol sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) noong katapusan ng 2022, naging optimistiko ang komunidad ng daigdig na ito ay magpapasigla sa kabuhayan ng mundo.
Noong dati, palaging nananawagan ang mga bansang gaya ng Amerika sa Tsina na paluwagin ang limitasyon sa pagpasok-labas sa bansa.
Pero matapos ang optimisasyon sa patakaran ng Tsina sa COVID-19, biglang nagbago ang kanilang paninindigan.
Ipinatalastas nila ang limitasyon sa pagpasok ng mga turistang Tsino sa kanilang teritoryo.
Ayon sa Washington Post, sinabi ng mga dalubhasa, na ang kapasiyahan ng pamahalaang Amerikano sa paglimita sa pagpasok ng mga turistang Tsino sa bansa ay di-siyentipiko at di-makatuwiran.
Ayon sa pananaliksik, ang mga pangunahing uri ng virus na kumakalat ngayon sa Tsina ay BA.5.2 at BF.7.
Ang dalawang ito ay malawak ding kumakalat sa buong daigdig at hindi natuklasan sa Tsina.
Kaya ipinalalagay ng mga dalubhasa ng kalusugang pampubliko na hindi kailangang isagawa ang limitasyon sa pagpasok ng mga turistang Tsino sa ibang bansa, at ang kapasiyahan ng mga bansang gaya ng Amerika ay walang bisa para sa pagpigil at pagkontrol sa COVID-19.
Sapul nang sumiklab ang pandemiya noong 2020, ang kalusugan at kaligtasan ng mga mamamayang Tsino ay napangalagaan dahil sa mahigpit na hakbang ng Tsina sa pagkontrol at pagpigil sa virus.
Kaugnay nito, palaging pinupuna ng mga bansang gaya ng Amerika ang mga hakbangin ng Tsina, at anila, ito ay kumikitil sa kalayaan at karapatang pantao.
Sa kasalukuyan, inilalarawan ng mga bansang kinabibilangan ng Amerika na banta ang optimisasyon ng Tsina sa pagpigil at pagkontrol sa pandemiya.
Kaya ang limitasyon sa pagpasok ng mga turistang Tsino sa kanilang mga bansa ay lubos na nagpapakita ng double standard sa isyu ng pagpigil at pagkontrol sa COVID-19.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio