Pagsusulong sa ganap at estriktong pangangasiwa sa CPC, ipinagdiinan ni Xi Jinping

2023-01-10 16:33:27  CMG
Share with:


Sa kanyang talumpati sa Ika-2 Sesyong Plenaryo ng Ika-20 Central Commission for Discipline Inspection (CCDI) ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), binigyang-diin, Lunes, Enero 9, 2023 ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulo ng bansa, ang pagkakaroon ng patuloy na sigasig upang pasulungin ang ganap at estriktong pangangasiwa ng partido sa sarili, at paggarantiya sa pagpapatupad sa mga kapasiyahan at planong ginawa sa Ika-20 Pambansang Kongreso ng CPC.

 

Saad niya, kailangang patuloy na igiit ng partido ang mga mahigpit na prinsipyo at hakbangin, buuin ang tamang kapaligiran sa pangangasiwa sa sarili, at ipagpatuloy ang reporma sa sarili.

 

Mahalaga aniya ang pagpapatakbo ng partido, sa pamamagitan ng mga sistema at regulasyon, at pagpapabuti ng mga sistema sa ganap at estriktong pangangasiwa sa sarili.

 

Hiniling din niya ang pagkakaroon ng malakas na political oversight, para igarantiya ang mabisang pagpapatupad ng mga kapasiyahan at planong ginawa sa Ika-20 Pambansang Kongreso ng CPC.

 

Ani Xi, matindi at masalimuot pa rin ang situwasyon sa paglaban ng bansa sa katiwalian, kaya hinimok niya ang lahat na pag-ibayuhin ang sigasig, para sistematikong hawakan ang kapuwa simtomas at ugat ng mga problema.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio