Ligtas at malayang paggalaw ng mga tao, dapat magkasamang igarantiya ng iba’t-ibang bansa – tagapagsalita ng Tsina

2023-01-10 16:50:46  CMG
Share with:

Kaugnay ng paalala ng mga Ministring Panlabas ng Alemanya, Belgium at Luxembourg sa kani-kanilang mga mamamayan, na huwag bumisita sa Tsina kung hindi kinakailangan dahil sa laganap na impeksyon ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), ipinahayag Enero 9, 2023 ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na umaasa siyang magkakasamang igagarantiya ng iba’t-ibang bansa ang ligtas at malayang paggalaw ng mga tao, batay sa siyentipikong prinsipyo.

 

Aniya, sapul nang manalanta ang COVID-19, palaging ipinapauna ng Tsina ang kapakanan at buhay ng mga mamamayan.

 

Sa ngayon aniya, ang situwasyon ng pandemiya sa Tsina ay bumubuti na sa pangkalahatan.

 

Ilang lalawigan at lunsod ang nakahulagpos na sa rurok ng impeksyon at pinakamahirap na panahon, at mabilis na ring bumabalik sa normal ang produksyon at pamumuhay, dagdag ni Wang.

 

 

Sa kabilang dako, palagi aniyang sumusunod ang Tsina sa napapanahon, bukas at malinaw na pagbabahagi ng impormasyon hinggil sa pagbabago ng virus at mga nahawahang grupo sa internasyonal na komunidad.

 

Patuloy ding ibinabahagi ng Tsina ang genome data ng virus mula sa mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa sa pamamagitan ng Global Initiative on Sharing Avian Influenza Data (GISAID), sabi pa ni Wang.

 

Salin: Kulas

Pulido: Rhio/Jade