Matapos ang 3 taon sapul nang isagawa ng Tsina ang pagpigil at pagkontrol sa pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), mula ngayong araw, Enero 8, 2023, napababa ng bansa ang responde laban sa pandemiyang ito mula Class-A infectious diseases tungo sa Class-B infectious diseases.
Mula ilabas ng Tsina ang “20 refined measures” at “10 new measures” laban sa pandemiya, hanggang baguhin ang tawag sa novel coronavirus pneumonia, bilang novel coronavirus infection, at pormal na pababain ang responde sa COVID-19 tungo sa Class-B mula Class-A infectious disease… Ang mga ito ay pawang mahalagang hakbanging aktibong isinagawa ng Tsina laban sa pandemiya.
Sa harap ng di-matiyak na kalagayan ng pandemiya, palagiang iginigiit ng Tsina ang alituntuning “pagpapauna sa buhay ng mga mamamayan,” igalang ang katotohanan at siyentipikong pagpigil at pagkontrol sa pandemiya, at walang patid at napapanahong ini-optimisa ang mga kaukulang hakbangin ayon sa aktuwal na kalagayan.
Bunga nito, nakuha ng bansa ang napakahalagang oras at espasyo sa paglaban sa pandemiya.
Bukod pa riyan, sa mula’t mula pa’y sinusubaybayan ng Tsina ang katangian ng mga variants at kalagayan ng nagbabagong kalagayan ng pandemiya para maproteksyunan ng mas mabuti ng kalusugan at buhay ng mga mamamayan.