Estriktong disiplina ng partido, ipinagdiinan ng komunike ng disiplinaryong ahensya ng CPC

2023-01-11 17:47:51  CMG
Share with:

Mula Enero 9 hanggang 10, 2023, ginanap sa Beijing ang Ika-2 Sesyong Plenaryo ng Ika-20 Central Commission for Discipline Inspection (CCDI) ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).

 

Inilabas ng pulong ang komunike na nagbibigay-diin sa pagpapatupad ng mga kapasiyahan at planong ginawa sa Ika-20 Pambansang Kongreso ng CPC, pagpapalakas ng disiplina sa sarili ng partido, at paggarantiya sa pagiging malinis ng partido sa pamamagitan ng iba’t-ibang paraan.

 

Ipinagdiinan sa pulong na ang 2023 ay simula ng ganap na pagpapatupad ng mga kapasiyahan at planong ginawa sa Ika-20 Pambansang Kongreso ng CPC, at masusing taon din para sa pagsasakatuparan ng ika-14 na panlimahang taong plano ng bansa.

 

Mahalagang mahalaga rin ang taong ito upang ilatag ang pundasyon ng komprehensibong pagtatatag ng modernong sosyalistang bansa, kaya dapat palakasin ng CCDI ang mga gawain sa inspeksyon at superbisyon sa disiplina, ayon pa sa pulong.

 

Nanawagan ang pulong sa lahat ng mga miyembro ng CCDI na maging mapagkakatiwalaan, indipendyente, inobatibo at malakas ang loob, para ipatupad ang kani-kanilang responsibilidad, pag-ibayuhin ang ganap at estriktong pangangasiwa sa partido, labanan ang korupsyon, at magkapit-bisig na buuin ang isang komprehensibo’t modernong sosyalistang bansa, at pasulungin ang dakilang pag-ahon ng nasyong Tsino.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio