Walang diskriminasyong restriksyon sa COVID na batay sa siyensiya, ipinanawagan ng opisyal ng WHO

2023-01-11 15:30:02  CMG
Share with:

Ipinanawagan, Enero 10, 2023, ni Hans Kluge, Rehiyonal na Direktor para sa Europa ng World Health Organization (WHO) ang pagsasagawa ng mga bansa ng walang diskriminasyon at batay sa siyensiyang restriksyon sa galaw ng mga tao kaugnay ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).

 

Aniya, ayon sa mga impormasyon mula sa Tsina, walang nakikitang panganib para sa Europa, dahil ang mga variant ng virus na kumakalat ngayon sa Tsina ay nakikita rin sa Europa.

 

Sang-ayon din si Kluge sa opinyon ng European Centre for Disease Control (ECDC), na ang mga nahawahan ng COVID-19 sa Tsina ay hindi magbubunga ng malaking epekto sa situwasyon ng pandemiya sa Europa.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio