Kalakalang panlabas ng Tsina noong 2022, lumaki ng 7.7% at lumikha ng bagong rekord

2023-01-13 12:58:33  CMG
Share with:

Ayon sa datos na inilabas ngayong araw, Enero 13, 2023 ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Tsina, umabot sa 42.07 trilyong Yuan RMB (halos $US6.25 trilyong dolyar) ang kabuuang halaga ng pagluluwas at pag-aangkat ng Tsina noong taong 2022, na lumaki ng 7.7% kumpara sa taong 2021.

 

Ito ang kauna-unahang pagkakataong lumampas sa 40 trilyon ang nasabing datos.

 

Kabilang dito, lumaki ng 10.5% ang kabuuang halaga ng pagluluwas. Tumaas naman ng 4.3% ang pag-aangkat.

 

 

Salin: Kulas

Pulido: Ramil