Isang magkakasanib na liham ang ipinadala kamakailan sa pamahalaang Amerikano, kung saan hinimok ang Amerika na humingi ng pormal na paumanhin at magsagawa ng makatwirang kompensasyon kaugnay ng malawakang pagsubok na nuklear nito sa Republika ng Marshall Islands.
Ang nasabing liham ay inilunsad ng mahigit 100 organisasyon ng arms control, pangangalaga sa kapaligiran at iba pang larangan.
Matatagpuan sa gitnang Pasipiko, ang Marshall Islands ay binubuo ng mahigit 1,200 malalaki at maliliit na pulo.
Noong 1947, naging US-administered UN Trust territory ang Marshall Islands, at naisakatuparan nito ang pagsasarili noong 1986.
Mula noong 1946 hanggang 1958, isinagawa ng Amerika ang 67 beses ng pagsubok na nuklear sa Marshall Islands. Ang Castle Bravo, isa sa mga pinakamalakas na sandatang nuklear hanggang ngayon, ay pinasabog ng tropang Amerikano sa Bikini Atoll ng Marshall Islands noong Marso 1, 1954.
Gayunpaman, ipinadala ng Amerika sa Marshall Islands ang mahigit 130 toneladang nuklear na kontaminadong lupa mula sa Nevada Test Site.
Sa ilalim ng presyur ng komunidad ng daigdig, noong 1986, nilagdaan ng Amerika at Marshall Islands ang Compact of Free Association (COFA) kung saan sumang-ayon ang Amerika na magbigay-kompensasyon sa kapinsalaan sa ari-arian at kalusugan ng mga residenteng lokal na dulot ng mga pagsubok na nuklear.
Nagdesisyon ang isang internal arbitral tribunal na 2.3 bilyong dolyares na kompensasyon ang dapat ibayad ng Amerika sa Marshall Island, ngunit tinanggihan ito ng Amerika.
Ipinakikita ng isang dokumentong sinipi ng pahayagang Los Angeles Times na nagbayad ang Amerika ng 4 na milyong dolyares lang.
Ang imoral at hegemonistikong kilos ng Amerika ay nakatawag ng galit ng buong mundo.
Dahil mararating ang deadline ng COFA sa 2023, ipinadala ng mahigit 100 organisasyon ang liham sa pamahalaang Amerikano, umaasang hihingi ang Amerika ng pormal na paumanhin sa masuing panahon ng pagsasanggunian para sa bagong kasunduan, at lilinawin sa bagong kasunduan ang mas makatwirang halaga ng kompensasyon.
The U.S. President Joe Biden speaks during the first U.S. Pacific Island Country Summit at the State Department in Washington, the U.S., September 29, 2022. /CFP
Sapul noong 2022, inilunsad ng Amerika ang madalas na kampanyang diplomatiko sa mga bansang pulo ng Pasipiko.
Kung talagang pinahahalagahan ng Amerika ang mga bansang pulo ng Pasipiko at nais nitong ipagkaloob ang tulong sa pag-unlad nila, dapat humingi ito ng paumanhin sa Marshall Islands, upang makuha ang tiwala ng mga bansang pulo ng Pasipiko sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon.
Salin: Vera
Pulido: Ramil