Xi Jinping sa mga di-kasapi ng CPC: mas mahusay na maglingkod sa pangkalahatang kapakanan ng bansa

2023-01-17 16:33:23  CMG
Share with:

 

Enero 16, 2023, Great Hall of the People, Beijing – Sa kanyang paglahok sa taunang pagtitipon ng mga personaheng di-kasapi ng CPC bilang pagdiriwang sa Bagong Taong Tsino o Pestibal ng Tagsibol, ipinahayag ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa, ang bating pambagong taon sa mga kasapi ng ibang politikal na partido sa bansa at mga miyembro ng All-China Federation of Industry and Commerce.

 

Pinasalamatan niya ang nasabing mga manggagawa sa kanilang malalim na pag-aaral at demokratikong pagsusuperbisa sa mga pangunahing usapin ng bansa na may kinalaman sa reporma at pag-unlad, at pagbibigay ng mahahalagang mungkahi sa CPC para maisagawa ang mga siyentipikong desisyon at maipatupad ang mga epektibong polisya.

 

Nanawagan din si Xi sa naturang mga personahe na isabalikat ang  tungkulin sa pamamagitan ng mas malaking pagsisikap at determinasyon, at gumanap ng mas mahusay na papel upang mapaglingkuran ang pangkalahatang kapakanan ng bansa.


Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan