CMG Komentaryo: Kabuhayang Tsino, tiyak na bubuti sa bagong taon

2023-01-18 22:53:58  CMG
Share with:

Ini-ulat, Enero 17, 2023 ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, na mahigit 121 trilyong yuan RMB ang halaga ng Gross Domestic Product (GDP) ng bansa noong 2022, na lumaki ng 3% kumpara sa 2021.

 

Sa kabila ng maligalig na kalagayan ng heopolitika, di-magandang kabuhayang pandaigdig, patuloy na pagkalat ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), at iba pang di-inaasahang elemento, ang 3% paglaki ng ekonomiya ng Tsina ay mas mataas pa rin kaysa karamihan sa mga pangunahing ekonomiya ng mundo.

                                                                              

Ipinakikita nito ang lakas at sigla ng kabuhayang Tsino.

 

Kasunod ng pagpasok sa bagong yugto ng pagpigil at pagkontrol ng Tsina sa COVID-19, kitang-kita ang panunumbalik ng bitalidad ng kabuhayang Tsino.

 

Ang Tsina ay may malakas na potensyal sa kabuhayan at napakalaking pamilihan – mga bentaheng dulot ng pagpapalalim ng reporma at pagbubukas, at masaganang karanasan sa makro-kontrol.

 

Dahil dito, tiyak na magiging mas mabuti ang kabuhayang Tsino sa bagong taon.


Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan