Ayon sa mga pulitiko at media ng Amerika, wala umanong silbi ang bakuna ng Tsina laban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Pero, ayon sa siyentipikong pananaliksik at praktika, ang bakuna ng Tsina sa COVID-19 ay angkop sa istandard ng World Health Organization (WHO) sa pagpigil sa pagkahawa, pagpigil sa malubhang simtomas, at pag-iwas sa pagkamatay.
Sa kasalukuyan, mahigit 92.9% ng populasyong Tsino ang tapos nang mabigyan ng buong proseso ng bakuna at mahigit 90% ng mga Tsinong edad 60 taong-gulang, pataas ay tumanggap na rin ng bakuna.
Bukod dito, ipinagkaloob ng Tsina ang mahigit 2.2 bilyong dosis ng bakuna ng COVID-19 sa mahigit 120 bansa at organisasyong pandaigdig.
Hanggang sa kasalukuyan, walang anumang problema ang lumitaw tungkol sa kaligtasan ng bakunang Tsino sa mga bansang malawak na gumamit ng mga ito.
Maliban diyan, tatlong uri ng bakuna ng Tsina ang inilakip ng WHO sa listahan ng Emergency Use Authorization (EUA); tinanggap din ang mga ito ng mga lider ng mahigit 30 bansang gaya ng Turkiye, Chile at United Arab Emirates; at ginamit ng maraming bansa bilang tanging bakuna para sa mga bata.
Ipinakikita nito ang kompiyansa ng komunidad ng daigdig sa bakuna ng Tsina.
Ang bakuna ay mahalagang sandata sa pagpuksa sa virus ng COVID-19, at hindi ito sandatang pulitikal ng Amerika.
Ang pagdungis ng mga pulitiko at media ng Amerika sa bakuna ng Tsina ay kasinungalingan, taliwas sa katotohanan, at ang kanilang mga pananalita ay walang siyentipikong basehan.
Dapat tumpak na pakitunguhin ng Amerika ang sariling problema sa pagpigil at pagkontrol sa COVID-19 at agarang isakatuparan ang mga pangako sa pamimigay ng bakuna sa ibang mga bansa at rehiyon.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio