Kasalukuyang mabilis na kumakalat sa Amerika ang Omicron new subvariant XBB.1.5 na nagbunsod ng mahigit 43% kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa bansang ito. Ito ang naging virus variant na pinakamabilis na kumakalat sa Amerika.
Ayon sa estadistika ng Global Initiative on Sharing All Influenza Data (GISAID), nitong 3 taong nakalipas, lumitaw sa Amerika ang halos lahat ng COVID variant.
Kaya, dapat bukas, maliwanag, at agarang isapubliko ng Amerika ang impormasyon ng pandemiya ng COVID-19 at virus data sa World Health Organization (WHO) at komunidad ng daigdig. Naghihintay ang buong mundo ng sagot mula sa bansang ito
Ang pakikibaka laban sa pandemiya ay nangangailangan ng pandaigdigang kooperasyon. Kung matutuklasan ng anumang bansa ang bagong variant, may responsibilidad at obligasyon ito sa pagbabahagi ng kaukulang impormasyon sa WHO at komunidad ng daigdig upang makakuha ng oras sa pagharap sa kaukulang kalagayan.
Ayon sa GISAID, ang unang naiulat na XBB.1.5 sample ay nasa New York at estadong Connecticut noong Oktubre ng nagdaang taon.
Sa ngayon, natuklasan ito sa di-kukulangin sa 74 na bansa’t rehiyon.
Nitong 3 taong nakalipas, walang patid na nagbabago ang COVID virus sa Amerika na naging pinakamalaking bansang lumalaganap ng virus. Isang mahalagang sanhi sa likod nito ay di bukas at di maliwanag ang Amerika sa mga impormasyon ng pandemiya.
Dahil isinasagawa ng pamahalaang Amerikano ang panlilinlang pulitikal sa pandemiya at itinatago ang kaukulang datos, nagiging malubha ang pandemiya sa bansa, at grabe nitong hinahadlangan ang proseso ng paglaban sa pandemiya sa buong mundo.
Sa ngayon, dapat ilabas ng Amerika ang kaukulang datos ng pandemiya nito upang bigyan ng katotohanan ang daigdig.