Pagpapaliit ng hidwaan, ipinanawagan ng hepe ng UN: tiwala sa WEF, muling itatag

2023-01-19 16:23:00  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati, Enero 18, 2023, sa taunang pulong ng World Economic Forum (WEF) 2023 sa Davos, Switzerland, nanawagan si Antonio Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN) para paliitin ang mga hidwaan at muling itatag ang pagtitiwalaan upang magkasamang harapin at lutasin ang mga krisis at hamong pandaigdig.

 

Aniya, “kinakaharap ng ating buong mundo ang bagyo ng mga peste sa maraming prontera, gaya ng mabagal na paglaki ng kabuhayang pandaigdig, krisis sa halaga ng pamumuhay, pagka-antala ng kadena ng industriya’t suplay, kakulangan sa suplay ng enerhiya, heopolitikal na sagupaan, pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), at pagbabago ng klima.”

 

Perpekto aniyang ipinapakita ng tema ng kasalukuyang pulong na “Cooperation in a Fragmented World” ang ating dilema: kailangan natin ang kooperasyon, nguni’t kinakaharap natin ang hidwaan.

 

Hinggil dito, nanawagan siya sa komunidad ng daigdig na isulong ang reporma’t itatag ang pandaigdigang sitemang pampinansya alinsunod sa pagkakapantay-pantay.

 

“Kailangan ng mga umuunlad na bansa ang akses sa pinansiya upang mapagtagumpayan ang kahirapan at gutom, at isulong ang mga Sustainable Development Goal" ng UN, aniya.

 

Hinimok din niya ang mga bansa na palawakin ang mga ekonomikong oportunidad para sa mga kababaihan; palakasin ang pantay na pamamahagi at kooperasyon sa mga bakuna; at pagsusulong ng seguridad sa pagkaing-butil.

 

Ang taunang pulong ng World Economic Forum (WEF) 2023 ay idinaraos mula Enero 16 hanggang 20, 2023 sa Davos, Switzerland.

 

Salin: Kulas

Pulido: Rhio