Mas malaking pakinabang at pag-unlad sa relasyong Sino-Pilipino, inaasahan - Huang Xilian

2023-01-19 22:52:25  CMG
Share with:

 

Enero 16, 2023,Maynila - Idinaos ng Embahada ng Tsina sa Pilipinas ang kauna-unahang on-site na resepsyon nitong nakalipas na 3 tatlong bilang pagdiriwang sa Bagong Taong Tsino o Pestibal ng Tagsibol.


 

Sa kanilang naka-video na mensahe, ipinahayag nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., Unang Ginang Liza Araneta Marcos, at Pangalawang Pangulong Sara Duterte, ang kanilang bating pambagong taon.


 

Sa kanya namang talumpati, nilagom ni Huang Xilian, Embahador ng Tsina sa Pilipinas, ang apat na inspirasyon mula sa katatapos na pagdalaw ni Pangulong Marcos Jr. sa Tsina.

 

Una, ang pagkakasundo nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Marcos Jr. ay mahalaga sa diplomasya ng dalawang bansa; pangalawa, ang pagpapalalim ng mapagkaibigang kooperasyon ay angkop sa hangarin ng mga Tsino at Pilipino; pangatlo, ang pagpapalitang tao-sa-tao ay kailangang palakasin; at pang-apat, ang pagkakaiba at hidwaan ay tiyak na makokontrol.

 


Sinabi rin ni Huang, na sa bagong taon, magkasamang tatahak ang Tsina at Pilipinas sa landas ng mutuwal na pag-unlad, pagtutulungan, at pagpapataas pa ng bilateral na relasyon.

 

Umaasa siya na magkakaroon ng mas malaking pakinabang at pag-unlad  ang relasyong Sino-Pilipino.



Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan