Ang Longqing Gorge ay matatagpuan sa gawing hilagang kanluran ng Beijing, kung saan titingnan ang isang Winter Specialty sa Hilagang Tsina-The Ice Lantern.
Ang Longqing Gorge ay isang man-made lake na itinayo noong 1973. Salamat sa malamig na panahon at saganang yamang tubig, sinimulang idaos ang Longqing Gorge Ice at Snow Festival noong 1987. Ang panonood ng ice sculpture at ice lantern naman ay naging isang tradisyon na ng mga taga-Beijing para ipagdiwang ang pagdating ng taglamig at Chinese New Year.
Bawat taon, iba’t iba ang tema ng mga Ice at Snow Festival sa Longqing Gorge. Sa taong 2023, para ipagdiwang ang Golden birthday o 50th year ng Longqing Gorge, naghanda ang mga organizer ng lantern, illumination, snow sculpture, ice sculpture, ice lantern at gumawa sila ng isang time traveler corridor. Mula sa crystal palace, mga imortal sa mga kuwentong-bayan hanggang research vessel, lunar rover, at 2022 Beijing Winter Olympic Games ang makikita dito. Ipinapakita rin ang mga masasayang petsa o ganap ng mga Chinese.
Ang mascot ng 2023 Longqing Gorge Ice Lantern Festival ay“Lord Rabbit”. Ang taong 2023 ay Year of the Rabbit sa Chinese Calendar.
Maligayang Happy Year of the Rabbit po!
Video/Script: Sissi
Pulido sa script: Rhio/Jade
Patnugot sa Website: Jade