Ano ang hitsura ng Shanghai kapag alas diyes ng gabi?
Sagot: makikita ang mga nag-oopisinang mabilis maglakad, makukulay at mababangong tindahan ng bulaklak, saradong Internet celebrity restaurant, nagkukuwentuhan at namimiling magagandang dalaga, at masasayang asong nagwawagayway ng buntot habang gumagala.
Para sa isang gutom na biyahero, ang 24 oras na noodle house ay isang magandang lugar.
Oh, huwag matahin ang maliit na kainang ito.
Bagamat 20 metro kuwardo lamang at may apat na mesa, nakakagawa sila ng mahigit 30 uri ng noodle, sampung cold dish, BBQ at minatamis.
Humanap ako ng upuan sa tabi ng bintana, at ilang minuto lamang ay handa na ang aking noodle.
Ito ang kanilang signature dish, Crab Meat Noodle.
Gustung-gusto ng mga taga-Shanghai ang mga Hairy Crab na mula sa mga ilog at lawa sa silangang Tsina, lalo na tuwing Oktubre at Nobyembre dahil ito ang panahon na matataba ang mga ito.
Kadalasang pinasisingawan muna ang mga talangka, tapos, hinihimay ang karne, at saka ini-stir-fry kasama ng mantika ng mani, luya, bawang, asin at paminta, upang magawa ang espesyal na sarsa ng talangka.
Pinapanatili ng sarsa ang tamis at kasariwaan ng Hairy Crab at madalas na ginagamit sa xiaolongbao (isang uri ng siopao), meatball at noodle bilang natural na gourmet powder.
Dahil maikli ang storage life, kung gusto ninyong tikman ang pinakamasarap at pinakasariwang sarsa ng talangka ng Shanghai, kailangang hintayin ang mga buwan ng Oktubre at Nobyembre.
Pagkatapos ng noodle, uminom ng mainit na purple seaweed soup.
Siguradong mawawala ang lahat ng gutom at pagod ninyo.
Video/Script: Sissi
Pulido sa script: Rhio/Jade
Patnugot sa website: Jade