Kabuhayang Tsino, mas lalakas ngayong taon – WB

2023-01-20 16:15:19  CMG
Share with:

Sa kanyang panayam sa China Media Group (CMG), Enero 18, 2023 (lokal na oras) sa Davos, Switzerland, ipinahayag ni Axel van Trotsenburg, Managing Director of Operations ng World Bank (WB), na ang pagkaka-optimisa ng estratehiya ng Tsina laban sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) ay epektibo, at makakatulong sa pagsulong ng kabuhayang pandaigdig.

 

“Idudulot ng mga optimisadong polisiya ng Tsina ang mas maaliwalas na prospek. Sa tingin ko, mas lalakas ang kabuhayang Tsino dahil sa pagkaka-akma ng estratehiya laban sa COVID-19,” dagdag niya.

 

Ang pagbangon ng kabuhayang Tsino ay maghahatid aniya ng positibong “ripple effect” sa buong daigdig.

 

 

Salin: Kulas

Pulido: Rhio/ Jade