Pagbati ng Serbisyo Filipino para sa Bagong Taong Tsino

2023-01-21 19:29:07  CMG
Share with:

 

Ayon sa Nong Li o Tradisyunal na Kalendaryong Tsino, ngayong araw, Enero 21, 2023 ay bisperas ng Pestibal ng Tagsibol o Bagong Taong Tsino, at ang 2023 ay “Taon ng Kuneho.”

 

Sa ngalan ng lahat ng bumubuo ng China Media Group (CMG), ipinapa-abot sa inyong lahat ng Serbisyo Filipino, ang taos-pusong pasasalamat sa suporta’t pagtangkilik sa 2022.

 

Ngayong 2023, makaka-asa kayong patuloy at buong sikap pa ring magpupunyagi ang Serbisyo Filipino upang komprehensibong ipakita, ilahad, ipakilala, at iparamadam sa lahat ng mga tagatangkilik ang tunay na Tsina.

 

Sa lahat ng Pilipino sa buong mundo, Manigong Bagong Taon ng Kuneho sa inyong lahat, at nawa’y maging malusog, maligaya, at masagana kayo ngayong 2023!


Salin: Lito

Pulido: Rhio