Sa regular na preskon nitong Biyernes, Enero 20, 2023, inihayag ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na kasabay ng pag-optimisa ng Pamahalaang Tsino sa mga hakbahin ng pagpigil at pagkontrol sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) at pagsasagawa ng mga pansamantalang alituntunin ng paglalakbay sa labas ng bansa, matatag na tumataas ang bilang ng mga pumapasok at lumalabas na biyahero sa Tsina.
Saad ni Wang, maraming bansa ang nagsipahayag ng mainit na pagtanggap sa mga turistang Tsino.
Kasabay nito, bumalik na aniya sa normal ang pamumuhay at pagtatraho ng mga Tsino sa buong bansa, at hangad ng marami sa kanila na magbihaye sa labas ng Tsina.
Sa kasalukuyan, mas preparado aniya ang Tsina para sa pagpapanumbalik ng pagbibiyahe palabas ng bansa.
Alinsunod sa mga pansamantalang hakbangin sa pamamasyal sa ibayong dagat, sinimulan nang panumbalikin ng Tsina ang turismo palabas para tiyakin ang kaligtasan at kaayusan ng ganitong pagbibiyahe, dagdag ni Wang.
Salin: Jade
Pulido: Rhio