Elemento ng Bagong Taong Tsino, kitang-kita sa daigdig

2023-01-21 19:35:49  CMG
Share with:


Sa papalapit na Pestibal ng Tagsibol o Bagong Taong Tsino, magkakasunod na nakikita ang mga promosyon ng 2023 Spring Festival Gala ng China Media Group (CMG) sa mga bantog na lugar sa buong mundo para ipahayag sa mga manonood ng daigdig ang mabuting hangarin ng mga mamamayang Tsino sa Bagong Taon ng Kuneho.

 

Sa kauna-unahang pagkakataon, makikita ang naturang promosyon sa 772 cinema screen ng 5 malalaking lunsod ng Amerika na gaya ng New York at Washington.

 

Samantala, kita rin ang promosyong ito sa NASDAQ Screen sa Times Square, New York Empire State Building, at Canada Place sa Vancouver.


 

Nitong nakalipas na 4 na taon, itinatanghal sa Burj Khalifa Tower sa Dubai, pinakamataas na gusali sa daigdig, ang Spring Festival light show ng CMG.

 

Sa katulad na paraan, natutunghayan din nitong 3 nagdaang taon sa Dubai International Airport ang naturang promosyon.

 

Maliban sa mga nabanggit, ang promosyon ng Spring Festival Gala ng CMG ay masisilayan din sa iba pang bantog na lugar ng daigdig na gaya ng World Square sa Sydney, Koloseyo ng Roma, Ostankino Tower sa Moscow, at iba pa.



Salin: Lito

Pulido: Rhio