Selebrasyon ng Bagong Taong Tsino: Pagbili ng Year Goods

2023-01-21 22:24:13  CMG
Share with:


Tuwing Spring Festival o Chinese New Year, pinakamahalagang pestibal ng mga Tsino, ang pamimili o pagsha-shopping ay importanteng tungkulin ng isang pamilya.

 

Ang lahat ng mga produktong bibilhin para sa Chinese New Year ay tinatawag na 年货 (Nian Huo) o Year Goods, at bukod sa karne, gulay, itlog at soft drinks, mayroong ilang must-buy na Year Goods – alam ba ninyo kung ano ang mga ito?

 

Unang-una, Spring Festival couplets, Lucky Fu at ang pao.

 

Sa petsa ng pagpalit ng bago at lumang taon, idinidikit ang mga couplet, lucky fu at nagbibigay ng mga pulang pakete o ang pao ang matatanda sa mga bata – ito ay mahagalang kagawian sa Chinese New Year dahil ito ay pinaniniwalaaang magdadala ng kasaganaan at suwerte sa bagong taon.


Tapos, kailangan din ang ilang paputok, upang maitaboy ang mga bad luck at salubungin ang bagong pagkakataon at kasaganaan.

 

Para sa mga Chinese, melon seeds, sunflower seeds at mani ay indispensibleng bahagi ng Spring Festival.

 

Ang binhi ay sumasagisag ng pagsisimula at pag-ani. Ito rin ay mabuting tsitsirya kapag nagkukuwentuhan ang mag-anak, magkakaibigan o kapag nanonood ng TV drama sa pitong araw na new year holiday.

 

Tapos, kailangan ding bilhin ang ilang bagong mangkok at plato bilang pamalit sa mga luma.

 

Ito ay simbolo ng paghahangad ng isang bagong miyembro ng pamilya o bagong pagkakataon para sa trabaho sa susunod na taon.

 

Actually, libu-libo ang mga produkto, at magkakaiba ang situwasyon at kagustuhan ng bawat pamilya, ang pagbili ng Year Goods ay isang kagawian ng pagsalubong sa bagong taon, isang paraan ng pagpasa ng tradisyon at gawaing nagbibigay saya sa buong pamilya.

 

Video/Script: Sissi

Pulido: Rhio/Jade

Patnugot sa website: Jade