CELAC Summit natapos, Deklarasyon ng Buenos Aires inilabas

2023-01-25 14:55:41  CMG
Share with:


Ipininid, Enero 24, 2023, sa Buenos Aires, Argentina, ang Ika-7 Summit ng Community of Latin American and Caribbean States (CELAC).

 

Pinirmahan at inilabas ng mga kinatawan mula sa 33 kasaping bansa ang Deklarasyon ng Buenos Aires, kung saan, ipinangako nilang magkakasamang pangangalagaan ang karapatan at interes ng mga mamamayan sa rehiyon at pabibilisin ang pagsasakatuparan ng integrasyong panrehiyon.

 

Mababasa rin dito, na ang pagblokeyo, pagbubukod, at sangsyong ipinataw ng Estados Unidos sa Cuba, Venezuela at iba pang bansa ng Latin Amerika ay labag sa pandaigdig na batas at nakakapinsala sa karapatan at interes ng mga mamamayan ng naturang mga bansa.

 

Hinihimok ng deklarasyon ang Amerika na itigil ang mga maling kilos nito sa lalong madaling panahon.

 

Ang 33 miyembrong CELAC na itinatag noong Disyembre 2011, sa Caracas, Venezuela, ay binubuo ng lahat ng mga bansa ng Timog Amerika, ilang bansa ng Carribbean at Mexico.

 

Mayroon itong 600 milyong populasyon.

 

Salin: Jade

Pulido: Rhio