Lampas sa 3 milyon, kabuuang bilang ng mga iniluwas na sasakyang de motor ng Tsina sa 2022

2023-01-28 11:26:17  CMG
Share with:

Ayon sa China Association of Automobile Manufacturers (CAAM), tuluy-tuloy na lumakas ang kakayahang kompetetibo ng pagluluwas ng mga kompanya ng sasakyang de motor ng bansa noong 2022.

 

Ipinakikita ng datos na lumampas sa 3 milyon ang kabuuang bilang ng mga iniluwas na sasakyang de motor ng Tsina noong isang taon, at ito ay lumaki ng 54.4% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon, bagay na mabisang nakapagpasulong sa paglago ng buong industriya.

 

Ayon naman sa estadistika ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng bansa, noong unang 11 buwan ng nagdaang taon, kabilang sa 10 pinakamalaking merkado ng pagluluwas ng kotse ng Tsina, magkahiwalay na lumaki ng 2.7 ulit at 1.6 na ulit ang pagluluwas sa United Arab Emirates at Mexico.

 

Samantala, ang Belgium, Britanya at Pilipinas ay nanatiling 3 pinakamalaking merkado ng pagluluwas ng new energy vehicle (NEV) ng Tsina.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Lito