Inihayag, Disyembre 7, 2022 ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Tsina, na umabot sa 38.34 trilyong yuan RMB (USD$5.5 trilyon) ang kabuuang halaga ng kalakalang panlabas ng Tsina sa unang 11 buwan ng taong ito, at ito ay 8.6% mas mataas kumpara sa datos sa gayunding panahon ng tinalikdang taon.
Kabilang dito, 21.84 trilyong yuan RMB ang pagluluwas, na lumaki ng 11.9%; samantalang umabot sa 16.5 trilyong yuan RMB ang pag-aangkat, na tumaas ng 4.6%.
Sa kabilang dako, lumago rin ng 15.5% ang kalakalan ng Tsina sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), pinakamalaking trade partner ng bansa.
Salin: Vera
Pulido: Rhio