Kautusan ng paglabas ng mga regulasyon hinggil sa karangalan ng mga servicemen, nilagdaan ni Xi Jinping

2023-01-28 16:03:51  CMG
Share with:

Nilagdaan ni Xi Jinping, Tagapangulo ng Central Military Commission at Pangulo ng Tsina, ang isang kautusan para ilabas ang mga regulasyon hinggil sa pagbibigay ng gantimpala at karangalan sa mga service personnel.

 

Ito ang kauna-unahang masusing dokumentong pambatas ng hukbong sandatahan kaugnay ng pagbibigay ng gantimpala at karangalan sa mga service personnel, sa komprehensibo’t sistematikong paraan.

 

Ang mga karanasan at karangalan ng mga service personnel sa labanan, pagsasabalikat ng mahahalagang tungkulin, at paglilingkod sa mga rehiyong may masamang kondisyon ay itinatampok sa nasabing dokumento.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Lito