Halos 226 na milyon, bilang ng mga pasahero sa bakasyon ng Pestibal ng Tagsibol sa Tsina

2023-01-29 18:38:10  CMG
Share with:

Ayon sa estadistikang inilabas kahapon, Enero 28, 2023, ng Konseho ng Estado ng Tsina, sa katatapos na pitong araw na bakasyon ng Pestibal ng Tagsibol mula Enero 21 hanggang 27, halos 226 na milyong pasahero ang inihatid ng mga daambakal, haywey, waterway, at abiyasyong sibil ng bansa.

 

Kabilang dito, mahigit sa 50 milyon ang mga pasahero sa pamamagitan ng daambakal, na katumbas ng mahigit sa 7 milyon kada araw. Ang bilang na ito ay mas malaki ng 57% kumpara sa bakasyon ng Pestibal ng Tagsibol noong isang taon, at nanumbalik sa 83.1% ng taong 2019.

 

Samantala, ngayong bakasyon, nagkaroon ang mga pangunahing lugar panturista ng Tsina ng pagbalik ng malaking bilang ng mga turista.

 

Halimbawa, mahigit sa 7 milyong turista ang pumunta sa Beijing, at nagdulot ng halos 7.5 bilyong yuan na kita sa turismo. Sa Shanghai naman, mahigit sa 10 milyon ang mga turista, at mahigit sa 16.6 bilyong yuan ang kita sa turismo.


Editor: Liu Kai