Pagkonsumo sa bakasyon ng Pestibal ng Tagsibol ng Tsina, lumaki

2023-01-29 18:39:23  CMG
Share with:

Ayon sa ulat kamakalawa, Enero 27, 2023 ng Pambansang Administrasyon ng Pagbubuwis ng Tsina, sa pitong araw na bakasyon ng Pestibal ng Tagsibol, ang kita ng mga sektor na may kinalaman sa pagkonsumo ng bansa ay lumaki ng 12.2% kumpara sa gayun ding panahon ng nagdaang taon.

 

Kabilang dito, mabilis ang pagbangon ng mga sektor ng turismo at tuluyan.

 

Halimbawa, ang kita ng mga ahensiya ng paglalakbay at mga may kaugnayang serbisyo ay lumaki ng 130%, at nanumbalik sa 80.7% ng bakasyon ng Pestibal ng Tagsibol noong 2019.

 

Lumaki naman ng 16.4% ang kita ng mga otel panturista.

 

Samantala, nanatiling matatag ang paglaki ng pagkonsumo ng mga pang-araw-araw na kinakailangang bagay.

 

Halimbawa, ang halaga ng benta ng mga butil, mantika, at pagkain ay lumaki ng 31.5% kumpara sa nagdaang bakasyon ng Pestibal ng Tagsibol.


Editor: Liu Kai