Talastasan sa pagkakaloob ng fighter jet sa Ukraine, mabilis na sumusulong: babala ng Rusya, ito’y hahantong sa pagtaas ng komprontasyon

2023-01-30 15:53:40  CMG
Share with:

Sinabi, Sabado, Enero 28, 2023 ni Mykhailo Podolyak, Tagapayo ng Tanggapang Presidensyal ng Ukraine, na mabilis na sumusulong ang talastasan hinggil sa pagkakaloob ng mga fighter jet at sistema ng long-range missile ng mga bansang kanluranin sa Ukraine.

 

Kaugnay nito, inihayag nang araw ring iyon ng diplomatang Ruso na ang pagkakaloob ng mga eroplanong militar sa Ukranie ay mangangahulugan ng pagpapataas ng lebel ng komprontasyon sa pagitan ng mga bansang kanluranin at Rusya.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio