Asya-Pasipiko, hindi lugar ng heopolitikal na digmaan - Tsina

2023-02-02 17:08:53  CMG
Share with:


Sa panahon ng kanyang pagdalaw sa Hapon, ipinahayag ni Jens Stoltenberg, Pangkalahatang Kalihim ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) na “dapat magkaisa ang NATO para harapin ang banta mula sa Tsina.”

 

Kaugnay nito, ipinahayag, Pebrero 1, 2023, ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang rehiyong Asya-Pasipiko ay hindi lugar ng heopolitikal na digmaan, at hindi tanggap sa lugar na ito ang kaisipan ng Cold-War at bloc confrontation.

 

Aniya, sinabi mismo ng NATO na ito’y isang rehiyonal na alyansang pandepensa, pero, walang humpay nitong pinalalawak ang impluwensya sa labas ng tradisyonal na sonang pandepensa, pinapalakas ang ugnayang militar sa mga bansang Asya-Pasipiko, at kinakalat ang ideyang “banta mula sa Tsina.”

 

Kailangang bantayan ng mga bansa sa rehiyong ito ang mga pananalita at aksyon ng NATO, dagdag ni Mao.

 

Sa kabilang dako, sinabi niyang sa mga mainit na isyu, palagiang aktibong pinapasulong ng Tsina ang diyalogo para mapahupa ang tensyon.

 

Dapat aniyang mataimtim na isa-alang-alang ng NATO na papel nitong ginagampanan para sa kaligtasan ng Europa, dagdag ni Mao.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio