CMG Komentaryo: Tangka ng NATO na lumikha ng kaguluhan sa Asya-Pasipiko, di-magtatagumpay

2023-02-02 15:59:36  CMG
Share with:


Sa panahon ng kanyang pagdalaw sa Hapon, inilabas Martes, Enero 31, 2023 nina Jens Stoltenberg, Pangkalahatang Kalihim ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) at Punong Ministro Fumio Kishida ng Hapon ang magkasanib na pahayag na nagsasabing isasagawa ng kapuwa panig ang kooperasyon sa mga larangang gaya ng seguridad na pandagat, cyber space, pagkontrol sa mga sandata, at iba pa.

 

Ginawa nilang sangkalan ang puwersang militar ng Tsina at usapin ng Taiwan upang isulong ang kanilang mga adiyenda.

 

Sa kanyang naunang pagdalaw sa Timog Korea, sinabi ni Stoltenberg na ang Tsina ay nagsisilbing banta sa mga pagpapahalaga, kapakanan at seguridad ng mga bansang kanluranin.

 

Bilang bunga ng Cold War na tinalikuran ng panahon, inimbento ng NATO ang umano’y bantang panseguridad, at madalas itong nakikipagpalitan sa Hapon at Timog Korea.

 

Ang mga aksyong ito ay purong pulitikal na palabas lamang, at walang aktuwal na katuturan.

 

Dapat malaman ng Hapon at Timog Korea, na ang pakikipagsabwatan sa NATO ay katulad ng pag-iimbita ng asong lobo sa sariling pamamahay, at sila mismo ang mapipinsala sa bandang huli.

 

Sa katunayan, bilang pinakamalaking alyansang militar sa daigdig, naging mahina ang puwersa ng NATO, at hindi magtatagumpay ang tangka nitong lumikha ng kaguluhan sa Asya-Pasipiko.

 

Ang rehiyong Asya-Pasipiko ay hindi lugar ng digmaan ng malalaking bansa, at hinding-hindi pahihintulutan ng mga mamamayan ng Asya-Pasipiko ang anumang tangka sa paglulunsad ng bagong Cold War.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio