Nag-usap kamakailan sina Punong Ministro Fumio Kishida ng Hapon at Jens Stoltenberg, dumadalaw na Pangkalahatang Kalihim ng North Atlantic Treaty Organization (NATO).
Jens Stoltenberg, Pangkalahatang Kalihim ng NATO
Sa kanilang magkasanib na pahayag, inimbento ng kapuwa panig ang di-umano’y “bantang militar” ng Tsina.
Kaugnay nito, inihayag ni Kishida na isasa-alang-alang ng Hapon ang regular na pagdalo sa mga pulong ng North Atlantic Council, organo ng paggawa ng desisyon ng NATO, at malinaw na sasali rin sa kooperasyong pandepensa ng NATO sa rehiyong Asya-Pasipiko.
Pinatutunayan ng ganitong kilos na gustong makipagsabuwatan ng Hapon sa isang puwersang panlabas para sa sariling interes.
Tangka rin nitong papasukin sa Asya-Pasipiko ang digmaan at komprontasyon.
Sa ilalim ng muestra ng Amerika, walang humpay na tinatangka ng NATO na bumuo ng “Bersyon ng NATO sa Asya-Pasipiko,” at ang Hapon ay itinuturing na masusing katuwang.
Ang mga serye ng hakbang ng Hapon kamakailan ay nagpapakita ng pagsunod nito sa kagustuhan ng Amerika at NATO, upang makamtan ang sariling adiyenda.
Sa pamamagitan ng pagpapalaki ng isyung “banta ng Tsina,” magiging mas madali para sa Hapon na humulagpos sa limitasyon sa mga patakarang pandepensa at konstitusyong pangkapayapaan, at maisasakatuparan ang target nito na pagpapalawak ng puwersang militar.
Kung ipagpapatuloy ng mga pulitikong Hapones ang pag-anyaya ng asong lobo sa sariling pamamahay, at lilikhain ang kaguluhan sa Asya-Pasipiko, sila rin ang aani ng pinsala sa bandang huli.
Salin: Vera
Pulido: Rhio