Tsina, tumututol sa pagpapabagsak ng Amerika ng pansibilyang unmanned airship ng Tsina

2023-02-05 17:56:41  CMG
Share with:

Ipinahayag ngayong araw, Pebrero 5, 2023, ng Ministring Panlabas ng Tsina ang malakas na kawalang-kasiyahan at pagtutol sa pagpapabagsak ng Amerika ng isang pansibilyang unmanned airship ng Tsina sa pamamagitan ng sandatahang lakas.

 

Anang pahayag ng naturang ministri, nauna rito, paulit-ulit na ipinaalam ng Tsina sa panig Amerikano, na ang airship na ito ay kagamitang pansibilyan at pumasok sa himpapawid ng Amerika dahil sa di-kontraladong lakas. Hinimok din anito ng panig Tsino ang panig Amerikano, na hawakan ang isyung ito sa pamamagitan ng mahinahon, propesyonal, at nakatimping paraan.

 

Higit sa lahat, kinumpirma minsan ng Kagawaran ng Depensa ng Amerika, na ang naturang airship ay hindi makakalikha ng anumang bantang militar o personal sa mga tauhan sa lupa, dagdag ng pahayag.


Editor: Liu Kai