Nanawagan sa Amerika, Miyerkules, Pebrero 8, 2023 si Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina, na itakwil ang kaisipan ng heopolitika, at agarang alisin ang unilateral na sangsyon laban sa Syria, para bigyang-daan ang makataong pagliligtas.
Pagkaraang yanigin ng malakas na lindol ang Türkiye at Syria, hiniling ng American-Arab Anti-Discrimination Committee (ADC) na agarang kanselahin ang sangsyon sa Syria, at ipagkaloob ang ginhawa para sa makataong tulong.
Sa kabilang dako, inihayag ng panig Amerikano na hindi ito direktang makikipag-ugnayan sa pamahalaang Syrian.
Kaugnay nito, tinukoy ni Mao na nitong nakalipas na mahabang panahon, nakikilahok ang Amerika sa krisis ng Syria, madalas nagsasagawa ng pakikialam na militar, at nagpapataw ng malupit na sangsyong ekonomiko.
Ito aniya ay humantong sa malaking kasuwalti ng mga sibilyan, kawalan ng pundamental na garantiya sa pamumuhay ng mga mamamayan, at iba’t-ibang kahirapan sa pag-unlad ng kabuhayan at rekontruksyon.
Hanggang sa kasalukuyan, kontrolado pa rin ng mga tropang Amerikano ang mga pangunahing sona ng produksyon ng langis sa Syria, dinarambong ang mahigit 80% bolyum ng produksyon ng langis, at nagpupuslit at nanununog ng inimbak na pagkaing-butil ng bansa – bagay na nakapagpalala sa makataong krisis, dagdag ni Mao.
Salin: Vera
Pulido: Rhio