Porum ng Tsina at Kambodya sa Kabuhayan, Kalakalan, Pamumuhunan, at Turismo, idinaos sa Beijing

2023-02-11 23:27:24  CMG
Share with:

Idinaos kahapon, Pebrero 10, 2023, sa Beijing, ang Porum ng Tsina at Kambodya sa Kabuhayan, Kalakalan, Pamumuhunan, at Turismo.

 

Sa porum, sinabi ni Pangalawang Premyer Hu Chunhua ng Tsina, na palalakasin ng Tsina at Kambodya ang kooperasyon sa ilalim ng Belt and Road Initiative, palalalimin ang kooperasyon sa kalakalan at pamumuhunan, palalawakin ang pagpapalitang tao-sa-tao at panturismo, at pasusulungin ang multilateral at rehiyonal na kooperasyon.

 

Ipinahayag naman ni Punong Ministro Hun Sen ng Kambodya ang pag-asang ibayo pang palalakasin ang pakikipagkooperasyon sa Tsina sa kabuhayan, kalakalan, imprastruktura, turismo, at iba pa.


Editor: Liu Kai