Mga taikonaut ng Shenzhou-14, humarap sa media

2023-02-18 18:09:13  CMG
Share with:

 

Humarap sa media kahapon, Pebrero 17, 2023, ang tatlong taikonaut ng Shenzhou-14 spacecraft, na sina Chen Dong, Liu Yang, at Cai Xuzhe, sa kauna-unahang pagkakataon matapos ang kanilang misyon sa space station ng Tsina.

 

Ayon sa salaysay, sa pamamagitan ng 75-araw na pagpapagaling, maganda ngayon ang kondisyon ng tatlong taikonaut sa kapwa katawan at kalooban, at ang kanilang timbang ay nanumbalik sa lebel bago ang paglipad sa kalawakan.

 

Ayon pa rin sa preskon, patuloy na isinasagawa ang pagmomonitor sa kalusugan ng naturang mga taikonaut, at babalik sila sa normal na pagsasanay pagkaraan ng ibayo pang pagtasa.


Editor: Liu Kai