CMG Komentaryo: Maisasagawang plano, isinumite ng Tsina para sa mas ligtas na mundo

2023-02-22 15:08:27  CMG
Share with:

Inilabas Martes, Pebrero 21, 2023 ng Tsina ang Global Security Initiative Concept Paper, kung saan ibayo pang naglahad ng nukleong prinsipyo at ideya ng Global Security Initiative (GSI), at nagharap ng 20 pangunahing direksyon ng kooperasyon.

 

Ang dokumentong ito ay nakatakda ng mas detalyadong roadmap para sa pagpapatupad ng GSI.

 

Matatandaang noong Abril ng 2022, isinumite ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang GSI, at iminungkahi niya ang pagtahak sa bagong landas na panseguridad na may diyalogo, pagtutuwang, at win-win situation, sa halip ng komprontasyon, pagbuo ng alyansa at zero-sum game.

 

Sa kasalukuyan, ang inisyatibang ito ay hinangaan at sinuportahan ng mahigit 80 bansa’t organisasyong pandagidig.

 

Ipinagdiinan ng GSI ang paggigiit sa komon, komprehensibo, kooperatibo at sustenableng ideolohiyang panseguridad, paggalang sa soberanya at kabuuan ng teritoryo ng iba’t ibang bansa, pagsunod sa simulain ng Karta ng United Nations (UN), pagpapahalaga sa makatwirang pagkabahalang panseguridad ng iba’t ibang bansa, pagresolba sa mga alitan at sagupaan sa pagitan ng mga bansa, sa pamamagitan ng diyalogo, negosasyon at mapayapang paraan, at koordinadong pagtatanggol sa seguridad sa mga tradisyonal at di-tradisyonal na larangan.

 

Ang lahat ng mga ito ay may kinalaman sa komong kapakanan ng buong sangkatauhan, at nagsilbing nukleong nilalaman ng GSI.

 

Samantala, iniharap ng naturang dokumento ang 20 pangunahing direksyon ng kooperasyon, kaugnay ng pinakanamumukod at pinakapangkagipitang pagkabahalang panseguridad sa daigdig. Kabilang dito ay pagpapatingkad ng papel ng UN, pagpapasulong sa paglutas sa mga mainitang isyu sa paraang pulitikal, pagharap sa tradisyonal at di-tradisyonal na hamong panseguridad, pagkumpleto ng global security governance at iba pang aspekto.

 

Isinumite rin nito ang plano sa plataporma at mekanismo ng kooperasyon.

Ang mga maisasagawang hakbangin ay makakahikayat ng pagsapi ng parami nang paraming bansa’t organisasyong pandaigdig sa GSI, upang magkakasamang resolbahin ang mga umiiral na security deadlock.

 

Ang seguridad ay karapatan ng iba’t ibang bansa sa daigdig, at hindi ito espesyal na karapatan ng iilang bansa.

 

Dapat isabalikat ng lahat ng mga bansa ang sariling responsibilidad para sa mas ligtas na mundo.

 

Pag-asa ng panig Tsino na magkakasamang sasali sa GSI ang iba’t ibang panig, magkakapit-bisig na ipapatupad ang mga ekspektasyon at target ng inisiyatibang ito, at ipapadala ang kapayapaan at katahimikan sa mas maraming rehiyon.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil