Buong sikap na pagliligtas pagkaganap ng pagguho ng minahan ng karbon sa Inner Mongolia, hiniling ni Pangulong Xi

2023-02-23 11:55:54  CMG
Share with:

Pagkaraang gumuho ang isang minahan ng karbon sa Alxa League, Rehiyong Awtonomo ng Inner Mongolia ng Tsina Miyerkules, Pebrero 22, 2023, hiniling ni Pangulong Xi Jinping ng bansa na hanapin at iligtas sa abot ng makakaya ang mga nawawala, buong lakas na magamot ang mga nasugatan, at palakasin ang pagmomonitor at pagpapalabas ng babala, upang pigilan ang secondary disasters.

 

Diin niya, dapat pangalagaan ang kaligtasan ng buhay at ari-arian ng mga mamamayan, at pangkalahatang katatagan ng lipunan.

 

Hinimok niyang imbestigahan ang sanhi ng aksidente, panagutin sa batas ang mga may-kagagawan, at pawiin ang mga butas sa pangangasiwa.

 

Dahil maraming tao ang nawawala pa rin sa aksidente, hinimok naman ni Premyer Li Keqiang na buong sikap at hanapin at iligtas ang mga natabunan, igarantiya ang kaligtasan ng pagliligtas, at maayos na hawakan ang aftermath.

 

Hanggang sa kasalukuyan, 2 katao ang nasawi, 6 na katao ang nasugatan, at 53 iba pa ang nawawala pa rin sa pagguho ng minahan ng karbon.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil