Bagong buksan ngayong araw, Marso 4, 2023, sa Beijing, ang sesyon ng Chinese People's Political Consultative Conference (CPPCC), humarap sa media ang ilang kagawad ng CPPCC para sa kolektibong panayam.
Kabilang dito, sinabi ni Gu Xueming, kagawad ng CPPCC at puno ng Chinese Academy of International Trade and Economic Cooperation, na ang Belt and Road Initiative (BRI) ay iniharap ng Tsina, pero ang mga pagkakataon at bungang dulot nito ay ibinabahagi ng daigdig.
Ginawa ni Gu ang isang kaganapan bilang halimbawa.
Ani Gu, noong nakaraan, inangkat lamang ng Mali, bansa sa kanlurang Aprika, ang mga gamot mula sa ibang bansa. Sa ilalim ng kooperasyon ng BRI aniya, tumulong ang isang bahay-kalakal na Tsino sa pagtatayo ng isang modernong pabrika ng gamot sa Mali, at salamat dito, napahupa ang kakulangan sa gamot hindi lamang sa Mali, kundi ilan ding nakapaligid na bansa.
Sinabi ni Gu, na ito ay ang mabuting halimbawa ng pagpapasulong ng BRI sa komong kaunlaran, at ipinakikita nitong nakikinabang sa BRI ang buong sangkatauhan.
Editor: Liu Kai