Tsina, nakahandang palakasin ang pakikipagpalitan at pakikipagtulungan sa sirkulo ng engineering ng daigdig

2023-03-06 15:33:17  CMG
Share with:

Mula Marso 2 hanggang 4, 2023, ginanap sa Madrid, Espanya, ang isang serye ng mga aktibidad bilang pagdiriwang sa World Engineering Day.

 

Sa maraming okasyon ng naturang serye ng mga aktibidad, idinispley ng delegasyon ng mga dalubhasa sa engineering technology ng Tsina ang bukas na pakikitungo ng Tsina na handang palakasin ang pakikipagpalitan at pakikipagtulungan sa sirkulo ng engineering ng daigdig, at ibigay ang mas maraming katalinuhan at puwersa sa daigdig.

 

Sinabi ni Gong Ke, dating tagapangulo ng World Federation of Engineering Organizations (WFEO) at siyentipikong Tsino, na ang World Engineering Day ay isang plataporma para sa pandaigdigang pagpapalitan at pagtutulungan.

 

Sa pamamagitan ng aktibong pagsali sa mga kaukulang aktibidad, umaasa aniyang ididispley ang bukas na pakikitungo ng Tsina, at patuloy na matutuhan, kasama ng iba’t-ibang bansa, ang sulong na karanasan ng isa’t isa.

 

Sa ilalim ng pagpapasulong ng WFEO, tuwing Marso 4 ang itinuturing na World Engineering Day ng United Nations Educational, Scientific, and Cultural Organization (UNESCO), para mapalakas ang kaalaman ng mga mamamayan sa kahalagahan ng engineering at mga inhinyero sa proseso ng sustenableng pag-unlad.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil