De-kalidad na pag-unlad, paulit-ulit na ipinagdiinan ni Pangulong Xi

2023-03-06 15:48:03  CMG
Share with:

Binuksan Linggo, Marso 5, 2023 sa Beijing ang taunang sesyon ng Ika-14 na Pambansang Kongresong Bayan (NPC), punong lehislatura ng Tsina.

 

Dumalo nang araw ring iyon si Pangulong Xi Jinping ng bansa sa isang deliberasyon, kasama ng mga deputado mula sa delegasyon ng lalawigang Jiangsu.

 


Sa kanyang talumpati sa deliberasyon, muling ipinagdiinan ni Xi ang de-kalidad na pag-unlad.

 

Aniya, ang de-kalidad na pag-unlad ay pinakamahalagang tungkulin ng komprehensibong pagtatatag ng sosyalistang modernong bansa.

 

Ipinalalagay niyang dapat pabilisin ng bansa ang pagsasagawa ng estratehiya ng innovation-driven development, suportahan ang pagtamo ng mga top scientist ng mga breakthrough sa agham at teknolohiya, walang humpay na pataasin ang aplikasyon ng mga buna ng hay-tek at lebel ng pagsasaindustriya, at itatag ang industriyal na sentro ng inobasyon sa siyensiya’t teknolohiya na may implunwensyang pandaigdig.

 


Diin ni Xi, dapat pabilisin ang pagtatatag ng modernong sistemang industriyal, at ilagay sa real economy ang pokus ng pagpapaunlad ng kabuhayan.

 

Dapat buuin ang sistema ng sosyalistang market economy sa mataas na antas, at pasulungin ang pagbubukas sa labas sa mataas na lebel.

 

Ang modernisasyon ng agrikultura ay kinakailangang kahilingan din ng pagsasakatuparan ng Tsina ng de-kalidad na pag-unlad, dagdag ni Xi.

 

Sa pananaw ni Xi, ang pinal na layunin ng pagpapasulong sa de-kalidad na pag-unlad ay para sa kaligayahan at kabiyayaan ng mga mamamayan.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil