De-kalidad na pag-unlad ng pribadong sektor, pinasigla ni Pangulong Xi Jinping

2023-03-07 14:29:24  CMG
Share with:

Bumisita Lunes, Marso 6, 2023 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa mga kagawad mula sa China National Democratic Construction Association at All-China Federation of Industry and Commerce na kalahok sa taunang sesyon ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC).

 

Ang mga kagawad mula sa nasabing dalawang samahan ay binubuo ng mga dalubhasa at iskolar ng sirkulong ekonomiko at mga mangangalakal ng pribadong sektor.

 


Hinimok ni Xi ang mga pribadong bahay-kalakal na palakasin ang kompiyansa, at mapangahas na paunlarin ang sarili, upang isakatuparan ang malusog at de-kalidad na pag-unlad ng pribadong sektor.

 

Ayon sa datos, binigyan ng pribadong sektor ng ambag ang 50% pataas na buwis, 60% pataas na GDP, 70% pataas na inobasyon sa teknolohiya, at 80% pataas na hanap-buhay sa mga lunsod na nayon.

 

Nitong nakalipas na ilang taon, komprehensibong naninikil sa Tsina ang mga bansang kanluraning pinamumunuan ng Amerika, at walang humpay na inilakip sa listahan ng paninikil at pagpapataw ng sangsyon ang maraming pribadong kompanyang Tsino na kinabibilangan ng Huawei Technologies Co. Ltd.

 

Samantala, ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ay nagbunsod ng maraming kahirapan sa mga pribadong kompanya.

 

Sa ilalim ng ganitong kalagayan, kailangang ipadala ng pamahalaang Tsino ang malinaw na signal, para mapasigla ang kompiyansa ng mga pribadong kompanya, at suportahan ang de-kalidad na pag-unlad ng pribadong sektor.

 

Sa kasalukuyan, binubuo ng Tsina ang bagong kayarian ng pag-unlad na ang mahalagang elemento ay domestic circulation, at maaaring pasulungin ng isa’t isa ang domestic at international circulations.

 


Inenkorahe ni Xi ang pribadong kapital na sumali sa konstruksyon ng mahahalagang proyekto at pangunahing proyekto ng industrial at supply chains ng bansa.

 

Hinimok din niya ang mga pribadong bahay-kalakal at bahay-kalakal na ari ng estado na magkakasamang isabalikat ang responsibilidad na panlipunan sa pagpapasulong sa komong kasaganaan ng lahat ng mga mamamayan.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil