Embahador Jaime FlorCruz: umaasang tutularan ang karanasan ng landas na Tsino tungo sa modernisasyon

2023-03-07 15:29:08  CMG
Share with:

Binuksan Marso 5, 2023 sa Beijing ang unang sesyon ng Ika-14 na Pambansang Kongresong Bayan (NPC), punong lehislatura ng Tsina.

 

Inanyayahang bumisita sa seremonya ng pagbubukas ang mga embahador at diplomata ng maraming bansa na kinabibilangan ni Jaime FlorCruz, bagong Embahador ng Pilipinas sa Tsina.

 

Sinabi niya sa mamamahayag na pinag-ukulan niya ng pansin ang pag-unlad ng kabuhayang Tsino, lalung lalo na, kasabay ng pag-optimisa ng Tsina ng mga hakbangin sa pagpigil at pagkontrol sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019, paano patitingkarin ng Tsina ang kasiglahan ng kabuhayan nito.

 

“Ang Tsina ay isa sa mga pinakamalaking ekonomiya sa daigdig. Kaya gusto naming malaman ang hinggil sa plano ng Tsina, paano mapapanumbalik ang Tsina mula sa epekto ng pandemiya, gaano kabilis ang pagpapanumbalik ng Tsina, at paano isasakatuparan ng Tsina ang bagong round ng paglago ng kabuhayan sa darating na isa hanggang dalawang taon,” saad niya.

 

Inaasahan din ni Embahador FlorCruz na sa pamamagitan ng kasalukuyang dalawang sesyon, tutularan ang karanasan ng pag-unlad ng landas na Tsino tungo sa modernisasyon, at hahanapin ang sekreto ng Tsina sa pagiging malakas na modernong bansa.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil